MANILA, Philippines - Muling ibinaba ng Department of Foreign Affairs ang crisis alert level 3 sa Egypt sa alert level 2 dahil na rin sa tuluy-tuloy na paghupa ng tensyon doon.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, nangangahulugan na ang voluntary repatriation sa ilalim ng alert level 3 ay bababa na lamang sa “restriction phase†makaraang gumanda ang political at security situation sa Egypt.
Inisyu ang alert level 2 matapos na makitang wala nang direktang banta sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pinoy mula sa mga karahasan at external threat sa nasabing bansa.
Sa ilalim ng restriction phase, pinapayagan lamang na makapunta sa Egypt ang mga “returning†o nagbabalik-trabaho na OFWs na may kasalukuyang employment contract.