Miss World Megan Young bumisita sa 'Yolanda' victims

MANILA, Philippines – Balik bansa si Miss World 2013 Megan Young  upang mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda.”

Dumating sa bansa si Megan nitong Huwebes at dumiretso sa Philippine Red Cross office upang alamin ang mga update sa mga lugar na binayo ni Yolanda.

Nakipagpulong ang Miss World 2013 kay Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon at Miss World Philippines Directress Cory Quirino.

 â€œBasically, what we want to do is visit these areas and see the devastation, to see the magnitude of it and to see what we can focus on giving to them,” sabi ni Megan kay Gordon.

Bukod sa personal na pamimigay ng tulong sa mga biktima, nag-abot din ng perang donasyon si Megan.

Kaugay na balita: Megan nakaipon ng $1.2M sa mga donasyon

Naipon ni Megan ang $1.2 milyon mula sa mga taong nagbigay habang naglilibot siya sa iba't ibang parte ng mundo.

Show comments