^

Balita Ngayon

Freeze order sa bank accounts ni Gigi Reyes at mga dating solon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos umanong magtago at umalis ng bansa, nagpalabas ng freeze order ang Court of Appeals para sa mga bank account ni Atty. Gigi Reyes, ang dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile kaugnay ng kasong pandarambong na inihain ng Deparment of Justice.

Tatlong buwan hindi magagalaw ni Reyes ang kanyang 38 bank accounts, ayon sa 43-pahinang kautusan ni Associate Justice Manuel Barrios.

Kabilang si Reyes sa mga inireklamo ng DOJ sa Office of the Ombudsman matapos lumabas sa imbestigasyon na may kinalaman siya sa pork barrel scam.

Hindi rin maaring galawin ni Ruby Tuason, dating social secretary ni dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada, ang kanyang 96 bank accounts.

Dawit din sa kautusan ang bank account nina Richard Cambe at Pauline Labayen na chief of staff nina Senador Bong Revilla Jr. at Senador Jinggoy Estrada.

Sina Enrile, Revilla at Estrada ay kinasuhan din ng DOJ kaugnay sa pork barrel scam matapos isiwalat ng prime witness na si Benhur Luy ang pang-aabuso ng mga mambabatas sa naturang pondo.

Samantala, damay din ang mga dating kongresista na sina Cagayan de Oro Rep Constantino Jaraula, Benguet Rep. Samuel Dangwa, Agusan Del Sur Rep. Rodolfo Plaza, at APEC Party-list Rep Edgar Valdez, maging ang mga chief of staff nila na sina Erwin Dangwa at Jose Sumalpong.

Nitong Setyembre ay nagpahayag ng sama ng loob si Reyes sa umano’y pagtatraydor ng dating amo sa isyu ng multi-bilyong pork barrel scam.

Kaugnay na balita: Gigi Reyes ‘nilaglag’ ni Enrile

Sa kaniyang pahayag sa pamamagitan ng Facebook, binigyang diin ni Reyes na naging tapat siya kay Enrile sa loob ng mahigit 25 taon nitong panunungkulan.

“The worst blow has just been dealt upon me by no less than the camp of Senator Juan Ponce-Enrile, the man I served with full dedication, honesty and loyalty for 25 years,” sabi ni Reyes.

AGUSAN DEL SUR REP

ASSOCIATE JUSTICE MANUEL BARRIOS

BENGUET REP

BENHUR LUY

COURT OF APPEALS

DEPARMENT OF JUSTICE

ENRILE

ERWIN DANGWA

GIGI REYES

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with