^

Balita Ngayon

DSWD mamimigay ng relief goods hanggang Disyembre

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos kumitil ng libu-libong buhay at manira ng mga ari-arian ang bagyong Yolanda, may panibagong aalalahanin ang mga biktima ng bagyo.

Sinabi ni Social and Welfare secretary Dinky Soliman na hanggang Disyembre na lamang ang kanilang pamamahagi ng relief goods para sa mga sinalanta mng bagyo.

Nais ng gobyerno na tumayo sa sariling mga paa ang biktima ni Yolanda, dagdag ng kalihim.

"Gusto naman namin silang tulungang magkaroon ng trabaho para mabili na nila ang mga kailangan nila," pahayag ni Soliman.

Pero kaagad nilinaw ng DSWD na magbibigay pa rin sila ng tulong sa mga hindi makakapagtrabaho o wala pang mga trabaho.

Dahil dito ay nakiusap si Leyte Governor Dominic Petilla na iusog ang paminigay ng relief goods hanggang Pebrero para sa kanyang nasasakupan.

"Personally, okay naman na i-end 'yan kasi sa totoo lang... ayaw namin na forever kumakain kami ng food packs parang ganun pero importante rito ang timing."

"Maaga ang December para itigil (pamimigay ng relief goods)," pahayag ng gobernador sa isang panayam sa radyo ngayong Martes.

"Gradual sana hindi 'yung biglaan na by January 1 wala na," dagdag ni Petilla.

Ang probinsya ng Leyte at Samar ang pinakamatinding hinagupit ng bagyo kung saan karamihan sa higit limang libong nasawi ay mula sa kanilang lugar.

DAHIL

DINKY SOLIMAN

DISYEMBRE

LEYTE

LEYTE GOVERNOR DOMINIC PETILLA

MAAGA

SOCIAL AND WELFARE

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with