Nakahaing mga kaso sa Tacloban justice hall winasak din ni Yolanda
MANILA, Philippines – Bukod sa mga buhay na nawala at gumuhong mga ari-arian, posibleng parte na lamang din ng nakaraan ang mga nakahaing kaso sa Tacloban City Hall of Justice matapos itong masira ng bagyong “Yolanda.â€
Sinabi ni Regional Prosecutor General Claro Arellano na habang bumabangon na ang lahat ng dinaanan ni Yolanda, parang buhay na nawala ang mga legal records na hindi na maaari pang ibalik.
"Our chance is to be able to reconstitute the records of the cases from the parties but that too will be difficult," pahayag ni Arellano.
Nakatayo ang dating justice hall 400 metro ang layo sa pantalan.
Sa pinakahuling tala ng mga awtoridad umabot na sa 4,011 ang nasawi sa bagyo, habang higit isang libo pa ang nawawala.
Milyung-milyong halaga na rin ng mga ari-arian ang nawasak ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.
- Latest
- Trending