Bong Revilla nalungkot sa pagbasura ng PDAF - report
MANILA, Philippines – Hindi ikinatuwa ni Senador Bong Revilla Jr. ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa legalidad ng Priority Development Assitance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel system.
Sinabi ni Revilla sa isang report sa ABS-CBN na maaaring gamitin sana ang naturang pondo upang makabangon ang mga biktima ng bagyong “Yolanda.â€
“Kung meron tayong PDAF mas marami pa sana tayong matutulungan regarding dito sa mga naapektuhaan ng bagyo,†banggit ni senador sa panayam na umere nitong Miyerkules ng gabi.
Nitong kamakalawa ay sinabi ng mataas na hukuman na hindi naaayon sa Saligang Batas ang PDAF at kailangang ito’y ibasura na.
Kaugnay na balita: Pork barrel: Unconstitutional! - SC
Sa botong 14-0 pinaboran ng mga hukom ang petisyon nina Greco Belgica at Samson Alcantara matapos nilang kuwestiyonin ang umano’y maanomalyang pondo.
Sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na "facially unconstitutional" ang PDAF.
Samantala, ikinatuwa naman ni Senador Miriam Defensor Santiago ang naging desisyon ng Korte Suprema.
Kaugnay na balita: Miriam sa decision ng SC sa pork barrel: 'There’s a God, after all'
Naging matipid ngunit malaman ang reaksyon ng itinuturing na constitutional law expert ng Senado.
There’s a God, after all†sabi ni Santiago.
Isa si Revilla sa mga kinasuhan ng Deparment of Justice dahil sa umano’y pang-aabuso sa PDAF.
Bukod sa senador ay inireklamo rin ng DOJ sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada dahil sa umano’y kinalaman nila sa pork barrel scam na pinangungunahan ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.
- Latest
- Trending