MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang mga tauhan ng International Police Organization (INTERPOL) upang tumulong sa pagkilala ng libu-libong bangkay matapos manalasa ang bagyong “Yolanda†sa Visayas.
Sinabi ni Interpol Director of Operational Support Michael O'Connell na hiniling ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang serbisyo.
"Clearly, one of the main priorities for the Philippine authorities is to find and rescue as many living victims as possible and for the humanitarian relief operations to continue," pahayag ni O'Connell nitong Martes.
"What is also important is the swift and accurate identification of the thousands of victims, which is where international support and coordination is essential and where INTERPOL can unite the global community in these efforts," dagdag niya.
Sinabi pa ni O’Connell na magtatayo sila ng mortuary sites kung saan mayroong refrigerated containers at mobile forensic laboratories.
Dagdag ng opisyal na makikipag-ugnayan sila sa gobyerno para sa maayos na paggalaw upang maiwasang makadoble-doble ang pagkilala sa mga biktima.
Kabilang sa mga tauhan ng Interpol ang mga dalubhasa sa disaster victim identification, DNA specialists mula Canada, South Africa at ang International Commission on Missing Persons.
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 4,011 katao na ang kumpirmadong patay karamihan dito ay mula sa Tacloban City.
Kaugnay na balita: Higit 4,000 na patay kay 'Yolanda'
Dagdag ng NDRRMC na 18,557 ang sugatan, habang 1,602 pa ang nawawala matapos tumama si Yolanda noong Nobyembre 8.
Samantala, umaapaw na ang ‘mass grave’ at kinakapos na rin ng mga matitinong kabaong para sa libong mga bangkay na nareÂrekober sa Tacloban City.
Kaugnay na balita: Mass grave umaapaw na
Sa phone interview, sinabi ni Sr. Supt. Pablito Cordeta, Task Force Cadaver commander, 151 pang mga bangkay ang kanilang narekober sa patuloy na paggalugad sa iba’t ibang bahagi ng lungsod