MANILA, Philippines – Libu-libong survivors ng hagupit ng bagyong “Yolanda†mula sa Eastern Visayas ang tumungo sa Metro Manila, ayon sa Philippine Air Force (PAF) ngayong Biyernes.
Sinabi ni PAF spokesperson said that Col. Miguel Okol na nasa 2,000 katao na ang lumipad papuntang Maynila sakay ng C-130 cargo plane.
Ibinababa ang mga survivor sa Villamor Airbase sa Pasay City kung saan sinasalubong sila ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development at iba’t ibang volunteer groups upang bigyan ng atensyong medical, pagkain at inumin.
Sinabi ni Glenda Derla, assistant leader ng DSWD NCR team na itinalaga sa Villamor Airbase, na ang mga survivor na walang kamag-anak sa Metro Manila ay dadalhin sa kanilang shelter sa Jose Fabella Memorial Hospital.
Dagdag niya na tinutugunan nila ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ni Yolanda.
Dumaraan sa stress debriefing ang mga biktima ng bagyo habang nakikipag-ugnayan ang mga tauhan ng DSWD sa mga kamag-anak ng mga survivors.
Samantala, sinabi ni Okol ng PAF public information office na may limang biyahe pa ng C-130 ang inaasahan ngayong araw.
"The C-130 flight would be carrying an average of 100 (persons). Tuloy-tuloy po ito sa araw na ito," banggit niya.