MANILA, Philipines – Pinabulaanan ni Bureau of Customs Commissioner Rozzano Rufino "Ruffy" Biazon ang kumakalat sa social media na hinarang nila ang tulong mula sa Germany upang mapatawan ng buwis.
Kaagad nagpahayag si Biazon sa Facebook at sinabing hindi totoo ang kumakalat na ulat.
"There is information going around social media that Customs allegedly taxed German donations via Lufthansa," sabi ni Biazon.
"This is not true, the shipment of German donations which arrived at Lufthansa hangar (at the Ninoy Aquino International Airport in Manila) on November 11, 2013 at 4:34 a.m. from the Republic of Germany carrying 23,071 kilos of relief goods were released within the day, exempted from duties and tax," dagdag ng kalihim.
I just talked Mr. Paul Schenk, Lufthansa Country mgr. He said the story against Customs isn't true. He said they were "pleased with customs"
— Ruffy Biazon (@ruffybiazon) November 13, 2013
Patuloy ang pagdating ng mga donasyon mula sa iba’t ibang grupo sa loob at labas ng bansa, kabilang ang Estados Unidos, South Korea, Singapore.
Nangako ang United States Agency for International Development (USAID) na magbibigay ng $20-million o P871 milyon.
Kaugnay na balita: Tulong mula sa ibang bansa tuloy sa pagbuhos
Sinabi ni USAID Administrator Rajiv Shah na kabilang sa kanilang ibibigay na tulong ang mga emergency food at critical relief supplies tulad ng shelter materials at hygiene kits tulad ng sabon, shampoo, toothbrush at toothpaste.
Dagdag niya na makakatulong ang kanilang mga ipapamahagi upang hindi rin magkalat ang mga sakit sa komunidad na binayo ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.