Laban ni Pacquiao kay Rios alay sa 'Yolanda' victims

MANILA, Philippines – Nais sanang bisitahin ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang mga nasalanta ng bagyong “Yolanda” ngunit hindi siya maaaring tumigil sa kanyang ensayo para sa nalalapit niyang laban.

Dahil dito ay buong pusong iaalay ni Pacquiao ang kanyang laban kontra kay Brandon Rios sa Nobyembre 24 sa Macau.

"I really want to visit the area and personally do what I can to help our countrymen who have suffered so much in this terrible tragedy, but I'm in deep training for a crucial fight so I regret I cannot go," pahayag ni Pacquaio.

Sinabi ng kongresista na patuloy niyang ipagdarasal ang mga kababayan niyang binayo ng sinasabing pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Bukod dito ay nangako rin ang boksingero na magpapadala ng tulong sa mga Pilipino.

"I will send help to those who need it the most and I enjoin all of you to pray for our country and people in these trying times."

Tangka ni Pacquiao na bumangon mula sa dalawang sunod na pagkatalo mula kay Timothy Bradley at sa matinding karibal na si Juan Manuel Marquez.

 

Show comments