MANILA, Philippines - Nagpadala ng 200 tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong "Yolanda" sa Tacloban City ngayong Martes ng umaga.
Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na kinabibilangan ng mga civil engineers, karpintero, mekaniko, electrician at manggagawa ang mga pinadalang tauhan upang tumulong sa pagsasaayos ng nawasak na lungsod.
"Their mission is to help clear Tacloban of debris and wreckage that have blocked important roadways so as to hasten the safe movement of residents and emergency response units,†pahayag ni Tolentino.
Nagmula sa iba't ibang grupo ng MMDA tulad ng Traffic Engineering Center (TEC), Metro Parkway Clearing Group (MPCG), Road Emergency Group (REG ang mga pinadalang tauhan na magtatagal ng dalawang linggo sa naturang lungsod.
Kabilang din sa mga tumulak sa Tacloban city ang ilang mga radio operators, nurses, welders, masons, at drivers na bandang alas-3 ng madaling araw umalis ng Metro Manila.
Dala ng ahensya nmang mga heavy equipment tulad ng payloaders, dump trucks, tow trucks, forklifts, graders, backhoes, buses, ambulansya , at mga rescue and special kagaya ng hook lifts, bolt cutters, generators, water treatment machine, chainsaws, at battery-operated radios.
Sinabi pa ni Tolentino na makikipagtulungan ang MMDA team sa mga local Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) upang mapabilis ang kanilang operasyon.
“Leyte is devastated. Thousands were killed, and almost everyone lost their homes. It is our desire to help residents rebuild their communities and bring back normalcy to the city,†sabi ni Tolentino.
Nitong Sabado lamang ay nagpadala na ang ahensya ng search teams sa Tacloban, Ormoc, at Borongan sa Eastern Samar upang tumulong sa rescue at relief operations.