'Yolanda' bahagyang humina, lalabas sa kalupaan ngayong gabi

MANILA, Philippines – Bahagyang humina ang bagyong “Yolanda” habang binabagtas nito ang Visayas region, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa Daang Bantayan, Cebu kung saan lumapag ito sa pangatlong pagkakataon kaninang umaga.

Taglay ni Yolanda ang lakas na 215 kilometers per hour at bugsong aabot sa 250 kph, dagdag ng weather bureau.

Inaasahang lalabas ng kalupaan ng Pilipinas ang bagyo mamayang gabi ngunit magdadala pa rin ito ng pag-ulan sa bansa.

Makakaranas ng malakas hanggang matinding pag-ulan ang mga nasa loob ng 400-kilometer diameter ng bagyo na apat na beses nang nag landfall.

Gumagalaw ang pang-24 na bagyo ngayong taon sa bilis na 40 kph pa-kanluran hilaga-kanluran.

Tinatayang daraanan ng bagyo ang katimugang bahagi ng Mindoro mamayang gabi bandang ala-6 bago lumabas ng kalupaan ng bansa.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal No. 4

Southern Occidental Mindoro

Southern Oriental Mindoro

Romblon

Calamian Group of Island

Masbate

Northern Cebu

Cebu City

Bantayan Island

Northern Negros Occidental

Aklan

Capiz

Antique

Iloilo

Guimaras

Signal No. 3

Rest of Occidental Mindoro

Rest of Oriental Mindoro

Burias Island

Sorsogon

Marinduque

Ticao Island

Northern Palawan

Puerto Princesa City

Northern Samar

Eastern Samar

Samar

Leyte

Southern Leyte

Bohol

Rest of Cebu Negros Oriental

Rest of Negros Occidental

Camotes Island

Biliran Province

Dinagat Province

Signal No. 2

Bataan

Metro Manila

Rizal

Cavite

Laguna

Batangas

Southern Quezon

Camarines Sur

Lubang Island

Rest of Palawan

Albay

Siquijor

Surigao del Norte

Siargao

Camiguin

Signal No. 1

Pampanga

Zambales

Bulacan

Camarines Norte

Rest of Quezon including

Polilio Island

Catanduanes

Surigao del Sur

Misamis Oriental

Agusan del Norte

Show comments