PNoy sa taumbayan: 'Seryosong peligro' dala ni 'Yolanda'
MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Benigno Aquino III sa publiko na huwag ipagsawalang bahala ang sinasabing pinakamalakas na bagyo ngayong taon.
Nakiusap si Aquino ngayong Huwebes sa isang espesyal na talumpati sa telebisyon na maghanda sa paghagupit ng bagyong “Yolanda.â€
"Sa kasalukuyang datos, mukha pong mas matindi ang hagupit ni Yolanda kaysa kay Pablo," pahayag ni Aquino.
"Seryosong peligro ito, at maaaring mabawasan ang epekto kung gagamitin natin ang impormasyon upang maghanda," dagdag niya.
Sinabi pa ni Aquino na nakahanda na ang national disaster risk reduction and management council sa pagresponde sa mga masasalanta ng bagyo.
Ang bagyong Yolanda ang pang-24 na bagyo ngayong taon at pangalawa sa buwan ng Nobyembre.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na taglay ng bagyong “Yolanda†ang lakas na 215 kilometers per hour at bugsong aabot sa 250 kph.
Kaugnay na balita: 'Yolanda' lumakas pa; signal no.4 sa 5 lugar
Namataan ng PAGASA ang bagyo kaninang alas-4 ng hapon sa 543 kilometro timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar na gumagalaw sa bilis na 33 kph.
Inaasahang tatama sa kalupaan ng Samar o Leyte ang bagyo bukas ng umaga at daraan sa Biliran, hilagang bahagi ng Cebu, Iloilo, Capiz, Aklan, Romblon, Semirara Island, katimugang parte ng Mindoro bago tumungo sa Busuanga, Palawan.
Tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes ng gabi.
- Latest
- Trending