MANILA, Philippines – Itinanggi ng abogadong si Lorna Kapunan ang mga haka-haka ukol sa kanyang pagbitiw bilang lead counsel ng itinuturong utak sa likod ng pork barrel scam Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Kapunan sa isang panayam sa telebisyon ngayong Lunes na hindi totoo na hindi na siya kayang bayaran ni Napoles.
Pinabulaanan din ng abogado ang mga haka-hakang pinagbitiw siya ng mga mambabatas na dawit sa kasong kinakaharap ng kanyang kliyente.
"We resigned out of our own free will," pahayag ni Kapunan.
"We don't want it seen that as a lawyer, we abandoned our client. The choice of strategy was discussed by her and by (our team) and we voluntarily said 'That's not the way we wanna go,'" dagdag niya.
Nilinaw ni Kapunan na hindi lamang nagkatugma ang kanilang mga opinyon ni Napoles.
Aniya mas gusto ni Napoles ang paraan ng abogadong si Freddie Villamor upang maipanalo nila ang serious illegal detention case na isinampa ni Benhur Luy.
Dagdag ni Kapunan na taliwas ito sa kanyang plano para kontrobersyal na negosyante.
"We have not left our client here. We have turned her over to her lawyers who, at this moment, she's more comfortable with," sabi ni Kapunan na kinuha lamang ni Napoles nitong Hulyo.
"I have not given up on any client. But this is a situation where the client has to choose between going my way or going their way," dagdag ng abogado.
Kahit na wala na siyang maaaring gawin sa kaso ni Napoles, umaasa si Kapunan na isisiwalat ng kanyang dating kliyente ang pawang katotohanan.
"I am hoping that the lawyers who will continue to handle her, will hold her to her promise to me that she will come out to tell the truth.â€
Nakatakdang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si Napoles sa Nobyembre 7 kung saan makakaharap rin niya ang mga whistleblower na dati niyang tauhan.