'Vinta' lumakas; signal no.2 sa 6 na lugar

MANILA, Philippines – Patuloy ang paglakas ng bagyong “Vinta” habang papalapit ito sa kaduluhan ng Luzon, ayon sa state weather bureau ngayong Miyerkules.

Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mata ng bagyo sa 610 kilometro silangan ng Ilagan, Isabela o 645 kilometro silangan ng Tugegarao City kaninang alas-4 ng hapon.

Taglay ng pang-22 bagyo ang lakas na 85 kilometers per hour at bugsong aabot sa 100 kph.

Nakataas ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal No. 2

Cagayan

Calayan Group of Islands

Babuyan Group of Islands

Isabela

Kalinga

Apayao

Signal No. 1

Ilocos Norte

Mt. Province

Abra

Ilocos Sur

La Union

Benguet

Ifugao

Nueva Vizcaya

Quirino

Aurora

Pangasinan

Nueva Ecija

Batanes Group of Islands

Gumagalaw pa-kanluran hilaga-kanluran ang bagyo sa bilis na 23 kph at inaasahang nasa 130 km silangan ng Tugegarao City ng Huwebes ng hapon.

Sa pagtataya ng PAGASA ay lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes.

Show comments