^

Balita Ngayon

Talunang kandidato tinodas ang 3 utol

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos hindi palaring manalo sa katatapos lamang na halalang pambarangay, pinagbabaril ng isang lalaki ang kanyang tatlong kapatid sa probinsya ng Capiz, ayon sa mga pulis.

Kinilala ni Chief Superintendent Agrimero Cruz Jr., director ng Police Regional Office 6, ang suspek na si Manuel Arcenas.

Pinagbabaril ni Arcenas ang kanyang mga kapatid na sina  Jennifer Nuyles, Evelyn Espinar at Ramon Arcenas sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Manapao, Pontevedra bandang ala-5 ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Bailan District Hospital ang mga biktima, habang nakatakas si Arcenas.

Isa sa mga tinitignang anggulo ng mga pulis ang pagkatalo ni Arcenas sa eleksyon.

Sinabi pa ni Cruz na maaaring agawan ng mana ang rason sa likod ng krimen.

Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad laban kay Arcenas.

vuukle comment

ARCENAS

BAILAN DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY MANAPAO

CAPIZ

CHIEF SUPERINTENDENT AGRIMERO CRUZ JR.

EVELYN ESPINAR

JENNIFER NUYLES

MANUEL ARCENAS

POLICE REGIONAL OFFICE

RAMON ARCENAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with