CamSur vice-mayor huling tumitira ng shabu - PDEA

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang bise-alkalde sa Camarines Sur matapos mahuli sa aktong nagsha-shabu, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Huwebes.

Kinilala ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang suspek na si Milaor town Vice Mayor Andre Hidalgo.

Sinabi ni Cacdac na kabilang sa mga nahuli sa akto si Hidalgo nang magsagawa ng raid ang PDEA sa Barangay Balatas, Naga City bandang 7:15 kagabi.

Nasabat sa operasyon ang ilang pakete ng shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong si Hidalco sa Camarines Sur Provincial Office, ayon kay Cacdac.

Kakasuhan ng paggamit ng ilegal na droga ang bise-alkalde oras na magpositibo ito sa drug test.

Show comments