MANILA, Philippines – Ayaw nang pansinin ni Enrique Gil ang mga fans na nakukumpara sa kanila ni Daniel Padilla.
Sinabi ni Enrique na sana’y na naman siya sa mga pagkukumparang ginagawa sa kanila ni Daniel at hindi na lamang siya nagpapaapekto.
“Ganun talaga, wala tayong magagawa,†komento ni Enrique.
Nagkasama si Enrique at Daniel sa teleserye na “Princess and I†kung saan love triangle sila kasama si Kathryn Bernardo.
“Since Princess and I lagi kami magkasama, sanay na kami, sanay na sanay na. Minsan may maninira sa amin, we’re used to it," sabi ni Enrique.
“Just do your best so people talk about you, and give back to them,†dagdag niya.
Samantala, kabado si Enrique sa gagawing dance concert sa Nobyembre 29 sa Araneta Coliseum.
Inaalala niya kung mapupuno ba ang The Big Dome na may higit 18,000 seating capacity.
“Kasi di ba ang daming seats nun, ang daming kailangan punuin dun,†kuwento ni Enrique.
“Bahala na siguro, kahit ano na mangyari basta yung point ko, kung sino ang pumunta dun sa Araneta, sa show ko, gusto ko mag-enjoy sila," dagdag niya.
Tanggap naman ni Enrique kung hindi niya mapupuno ang makasaysayang venue, pero nangakong sulit ang ibabayad ng mga manonood.
“Yun lang talaga ang goal ko, kahit hindi mapuno, okay lang basta successful ang show tsaka lahat nang pumunta ay masasabing sulit yung binayad nila.â€