Barangay polls sa Bohol imumungkahing ipagpaliban
MANILA, Philippines – Nais ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Bohol na ipagpaliban muna ang nalalapit na barangay elections matapos tumama ang magnitude 7.2 na lindol nitong Martes ng umaga.
Sinabi ni Bohol Governor Edgar Chato na maghahain ng resolusyon ang provincial government sa Comelec upang bigyan sila ng special elections.
Inihayag ni Chato ang plano ng probinsya sa pagpupulong nila ni Pangulong Benigno Aquino III at iba pang opisyal ngayong Miyerkules.
Kahapon ay sinabi ng Comelec na pag-aaralan muna nila ang pinsalang dinulot ng lindol bago mag desisyon kung ipagpapaliban ba ang barangay polls.
Kaugnay na balita: Barangay polls sa tinamaan ng lindol, hindi pa sigurado - Comelec
Ngayong araw binisita ni Aquino ang Bohol at Cebu upang personal na masuri ang epekto ng lindol.
Nasa ilalim na ng state of calamity ang dalawang probinsya.
- Latest
- Trending