OFW namatay sa 'Tent City' sa Jeddah
MANILA, Philippines – Isa na namang overseas Filipino worker (OFW) ang namatay sa “Tent City†sa Jeddah, Saudi Arabia habang hinihintay na maproseso ang pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas.
Kinilala ni Migrante-Middle East at North Africa coordinator John Monterona ang OFW na si Louie Bedaho Belista ng Nueva Vizcaya.
Inatake ng asthma ang 36-anyos na si Belista nitong Linggo bandang 11:30 ng gabi, ayon pa kay Monterona.
SI Belista na ang ika-anim na OFW na namatay sa Tent City sa Jeddah kung saan nagtipun-tipon ang mga “undocumented†na Pilipino.
Sinabi pa ng Migrante na dalawang beses isinugod sa ospital si Belista ngunit hindi nabigyan ng karampatang atensyon.
Dagdag ng grupo na may OFW na nurse ang nag-aalaga sa kapwa Pilipinong may sakit mula noong Abril.
"His remains lie at King Fahad Hospital morgue. His kin was already informed by our Migrante official. Prior to his death, Mr. Belista sought assistance from Migrante after he complained no medical assistance from Philippine consulate and labor officials,†pahayag ng Migrante.
Sinabi ni Monterona na ilang beses na silang nanawagan sa konsulado ng Pilipinas sa Jeddah na pabilisin ang pag-aayos ng mga papeles ng mga OFW upang makabalik na sa Pilipinas.
Dagdag niya na nasa 400 OFW ang stranded sa Tent City kung saan ilan dito ay mga bata at matatandang may sakit.
- Latest
- Trending