Bureau of Drainage nais ni MMDA chairman Tolentino
MANILA, Philippines – Iminungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority ngayong Lunes ang pagbubuo ng kawanihan ng gobyerno na tututok sa drainage at water management system sa bansa.
Nais ni MMDA chairman Francis Tolentino na magkaroon ng "Bureau of Drainage Systems and Services" na siyang mamamahala sa mga programa at solusyon sa lumalalang problema ng pagbaha sa Pilipinas.
"In view of the recent flooding, there is an imperative...to create such department to promote ecosystem, fight climate change, global warning, and the unpredictable weather disturbances nationwide," pahayag ni Tolentino.
Sinabi ni Tolentino na dapat ay pamunuan ang BDSS ng isang kalihim na may kapangyarihan tulad ng mga gabinete ng Pangul at may pondo upang mapunan ang mga kailangang proyekto.
Mapapailaliman ng BDSS ang Local Water Utilities Administration, ang mga drainage system ng bawat lokal na pamahalaan, pribadong water concessionaires (tulad ng Maynilad at Manila Waters) at dike na hawak ng gobyerno at pribadong sector.
Trabaho ng kawanihan ang masiguro na maayos ang mga daanan ng tubig upang maulit ang mga pagbahang inabot ng Pilipinas.
"If we have a Bureau of Drainage Systems and Services, it can help protect agriculture, infrastructure, and most importantly, prevent the unnecessary lost of lives during the stormy season,†banggit ni Tolentino.
Aabot sa 897 kilometro ang drainage ng Metro Manila pa lamang, ayon sa MMDA Chairman.
Sinabi pa ni Tolentino na isa sa mga dahilan ng pagbaha ang climate change.
- Latest
- Trending