^

Balita Ngayon

Palasyo ipinaliwanag ang P2M pabuya sa kaso ni Davantes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng Palasyo ngayong Biyernes ang P2 milyong pabuya para sa ikaaaresto ng mga suspek sa pagpatay sa advertising executive Kae Davantes.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na inaprubahan ito ni Pangulong Benigno Aquino III dahil brutal ang naging pagpaslang sa biktima.

“Hindi lang basta ninakawan, nagkaroon pa ng pagpatay at ‘yung manner ng pagpaslang sa kanya ay hindi rin ordinary,” pahayag ni Valte ngayong Biyernes.

“Those are the elements that are present in that case, the President deemed it proper to put a bounty,” dagdag niya.

Naunang magbigay ng pabuya ang Philippine National Police bago nag-alok si Aquino, ayon pa kay Valte.

Inaprubahan ni Aquino ang P2 milyong pabuya isang linggo matapos ang pagpatay kay Davantes noong Setyembre 7.

Kinasuhan na ng Department of Justice ng robbery at homicide ang dalawang suspek sa Las Piñas regional trial court.

Sinabi ng piskal na si Omar Cris Casimiro na inamin ng mga suspek na sina Reggie Diel at Lloyd Benedict Enriquez ang kanilang pagnanakaw at pagpatay kay Davantes.

“…specifically and categorically admitted their participation in robbing and killing Kristelle," ani Casimiro.

ABIGAIL VALTE

AQUINO

BIYERNES

DAVANTES

DEPARTMENT OF JUSTICE

KAE DAVANTES

LAS PI

LLOYD BENEDICT ENRIQUEZ

OMAR CRIS CASIMIRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with