TG nangulit kay Drilon: Napoles dapat papuntahin sa Senado
MANILA, Philippines – Muling nakiusap si Senator Teofisto Guingona III na pirmahan ni Senate President Franklin Drilon ang subpoena kay Janet-Lim Napoles, ang itinuturong utak sa bilyun-bilyong pork barrel scam.
Sinabi ni Guingona ngayong Huwebes na nagpadala siya ng liham kay Drilon at nakiusap na aprubahan ang pagharap ni Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee upang sumagot sa mga akusasyong ibinabato ng mga whistleblower.
"Dapat nandito si Napoles ngayon para sumagot sa akusasyon laban sa kanya but the subpoena was not signed," pahayag ni Guingona.
Sa liham na ipinadala ni Guingona ay nais niyang baguhin ang naunang desisyon ni Drilon na huwag nang paharapin sa imbestigasyon ng Senado si Napoles.
â€We urge you to reconsider your decision not to approve a subpoena issued to Janet Lim-Napoles,†nakasaad sa liham ng senador sa Senate president.
Sinabi pa ni Guingona na walang rason na hindi humarap sa Senado si Napoles gayung hinayaan ni Drilon na humarap ang ilang whistleblower sa pangunguna ni Benhur Luy.
â€The government officials and even the whistleblowers have been summoned pursuant to this investigation. No logical and legal reason exists why caution, timing, and prudence are now being use to prevent Janet Lim-Napoles from attending the hearings of the Senate blue ribbon committee,†sabi pa ni Guingona.
Nitong kamakalawa ay ibinasura ni Drilon ang subpoena kay Napoles na aniya’y alinsunod sa payo ni Ombusman Conchita Carpio-Morales.
Sinabi ni Carpio-Morales na hindi na kailangang pang magsalita si Napoles sa imbestigasyon ng Senado dahil gumugulong na ang kaso sa kanilang opisina.
Kaugnay na balita: Subpoena kay Napoles ibinasura ni Drilon
Natuloy ang imbestigasyon ng Senado ngayong araw kung saan humarap muli si Benhur Luy kasama ang iba pang whistleblower na sina Gertudes Luy, Marina Sula, Merlina Suñas, Arlene Baltazar at Monette Briones.
- Latest
- Trending