5 pang whistleblower sa 'pork scam' handang humarap sa Senado
MANILA, Philippines – Handa ring tumestigo ang lima pang mga whistleblower sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa P10-billion pork barrel scam.
Sinabi ni Atty. Lourdes Benipayo nitong Lunes na limang testigo ang hawak niya at handa silang isiwalat ang kanilang mga nalalaman sa kung paano umano pinamahalaan ni Janet Lim-Napoles ang pork barrel scam.
“If they are called, they are prepared to tell the Senate what they know, based on their personal knowledge,†pahayag ni Benipayo sa isang panayam sa telebisyon.
Dagdag niya na pawang mga empleyado ni Napoles ang mga testigo at tatlo sa kanila ay mga itinalagang presidente ng mga pekeng non-government organization.
“They are recent employees until they received subpoenas,†pagsasalarawan ni Benipayo sa kanyang mga kliyente na ang ilan ay nasa witness protection program na.
Bukod sa tatlong presidente ng mga NGO, sinai ni Benipayo na isa sa mga testito ay bookkeeper at ang isa pa ay financial clerk na siyang nagsasagawa ng mga personal na transaksyon ni Napoles.
Empleyado lang
Sinabi pa ni Benipayo na inosente ang mga testigo at biktima rin ni Napoles dahil wala umano ang mga itong kaalam-alam na malaking pera ang sangkot sa kanilang mga ginagawa.
“Pagpasok nila employees lang sila. Hindi nila akalain na malaking transaksyon ang ginagawa nila,†banggit ng abogado. “They were just told what to do.â€
Dagdag ni Benipayo na malaki ang natatanggap na suweldo ng mga empleyado ni Napoles.
Ayon sa kanyang nalaman ay tumatanggap ng P20,000 ang isang messenger, habang ang iba ay pumapalo sa P50,000 ang sinasahod.
Bukod sa malaking suweldo ay nakakatanggap din ng bonus ang mga tauhan ni Napoles.
Nilinaw din ng abogado na walang nakakausap na mga mambabatas ang kanyang mga testigo dahil ang isa pang whistleblower na si Benhur Luy ang nakatoka roon.
Nitong nakaraang linggo ay pormal nang sinampahan ng kasong pandarambong sina Napoles at mga umano’y sangkot na mambabatas kabilang sina Senator Bong Revilla Jr., Juan Ponce Enrile, at Jinggoy Estrada.
Kaugnay na balita: Napoles, Revilla, Estrada, Enrile kinasuhan ng pandarambong
Lumabas din sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation na si Revilla ang may pinakamalaking naibulsa noong 2007 hanggang 2009 gamit ang kanilang mga pork barrel na ipinasok sa mga pekeng NGO.
Kaugnay na balita: Sen. Bong Revilla Jr. higit P200M ang nakuha - NBI
- Latest
- Trending