^

Balita Ngayon

Pnoy dumating na sa Zamboanga City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumating na sa Zamboanga City si Pangulong Benigno Aquino III ngayong Biyernes upang personal na matignan ang sitwasyon sa pagitan ng mga sundalo at miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang na pasado alas-10 ng umaga lumapag si Aquino sa lungsod.

Mula noong Lunes ay nagmamatigas pa rin ang mga rebelde sa pamumuno ni Nur Misuari kung saan ilang barangay sa lungsod ang kanilang sinakop at daan-daang bihag ang kanilang dinukot.

Dahil sa kaguluhan ay libu-libong residente na ang lumikas, habang suspendido pa rin ang pasok sa paaralab at sa ilang mga trabaho.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na pawang mga kontra sa Bangsamoro peace process sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front ang mga nanggugulo.

Binalaan din niya ang mga rebelde na kung hindi mareresolba sa mapayapang pag-uusap ang kaguluhan ay hindi magdadalawang isip ang gobyerno na gumamit ng buong puwersa.

"While the government is exhausting all avenues for a peaceful resolution to the situation, let it be clear to those defying us that they should not entertain the illusion that the state will hesitate to use its forces to protect our people," pahayag ni Lacierda kahapon.

AQUINO

BANGSAMORO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS DEVELOPMENT AND STRATEGIC PLANNING OFFICE SECRETARY RICKY CARANDANG

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON EDWIN LACIERDA

SINABI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with