Seguridad sa Palasyo pinaigting kasabay ng 'EDSA Tayo' rally
MANILA, Philippines – Ayaw magpasawalang-bahala ng Manila Police District (MPD) kaya naman pinaigting nila ang seguridad sa Malacañang kasabay ng prayer vigil sa EDSA Shrine ngayong Miyerkules.
Sinabi ni MPD Director Chief Superintendent Isagani Genabe Jr., na may sapat na bilang ng mga pulis ang nakakalat sa Don Chino Roces Bridge (dating Mendiola) at iba pang pasukan patungong Palasyo.
Dagdag ni Genabe na nagpakalat na rin sila ng anti-riot policemen sa embahada ng Estados Unidos, dahil ngayong araw din ginugunita ang 9/11 bombing sa World Trade Center sa New York City, USA.
Wala namang nasagap na intelligence information ang pulisya ngunit sinabi ni Genabe na ayaw nilang masalisihan.
Kagabi pa lamang ay naka full alert na rin ang National Capital Region Police Office dahil sa isinasagawang kilos protesta ngayong sa EDSA Shrine.
Kaugnay na balita: NCRPO naka full alert para sa 'EDSA Tayo'
Ipinapanawagan ng mga raliyista ang pagbabasura ng tuluyan sa Project Development Assistance Fund o mas kilala sa tawag na pork barrel.
- Latest
- Trending