2 NBI execs tinamaan sa hirit ni PNoy
MANILA, Philippines – Dalawang deputy director ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lumapit kay Justice Secretary Leila de Lima kahapon at sinabing nasaktan sila sa hinalang sila ang nag-tip tungkol sa arrest warrant ni Janet-Lim Napoles.
"Sabi nila they can feel na mukhang sila ang pinapatamaan, silang dalawa. Sinabi lang nila iyon. They can feel daw and some people told them na baka silang dalawa iyon na pinapatamaan," banggit ni De Lima matapos makipagpulong kina NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala.
Nitong Martes ay pinagbibitiw ni De Lima ang ilang NBI deputy directors kasunod nang pagbibitiw ni NBI Director Nonnatus Rojas matapos kastiguhin ni Pangulong Benigno Aquino III ang ahensya.
Kaugnay na balita:De Lima pinagbibitiw ang ilang NBI Deputy Directors
"I don't think [Esmeralda and Lasala] are willing to submit courtesy resignations," sabi ni De Lima.
"They explained why and therefore I cannot compel them to submit their courtesy resignation," dagdag niya.
Kahapon ay inihayag ni De Lima na pinanindigan ni Rojas ang kanyang pagbibitiw kahit na kinausap na siya ng Pangulo.
Kaugnay na balita: PNoy 'di umubra sa pagbibitiw ni NBI chief Rojas
Noong nakaraang linggo ay inihayag ni Aquino na nawala ang kanyang tiwala sa NBI dahil aniya’y may nag-tip kay Napoles kaya siya nakatakas.
Sinabi naman ni De Lima na hindi niya kilala ang pinatatamaan ni Aquino.
"Kasi ako nga sabi ko may suspetsa ako na meron nag-leak. Pero kung sino talaga ang nag-leak, di ko pa 'yan alam so I'm not pointing to them ... to these deputy directors," ani De Lima.
- Latest
- Trending