MANILA, Philippines — Utas sa pananambang ang isang editor ng dyaryo sa Calapan City, Oriental Mindoro, ang ikalawang napaslang na mamahayag ngayong linggo.
Nakilala ang biktima na si Vergel Bico,41, editor ng dyaryong Kalahi, na huling nagsulat tungkol sa illegal gambling sa kanilang lugar.
Ayon sa mga pulis, dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ni Bico nitong kamakalawa habang pauwi siya sakay ng kanyang motorsiklo.
Hindi pa malaman ang motibo ng pananambang pero hindi iniisantabi ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman ito sa kanyang trabaho.
"We are looking at suspected guns for hire here," pahayag ni D'Artagnan Katalbas hepe ng Calapan City police.
Samantala, patay din sa pananambang ang komentarista sa radyo na si Fernando Solijon sa Iligan City.
Sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na panay ang tirada ni Solijon sa mga politiko sa kanilang lugar. Idinawit din niya ang isang kapitan ng barangay sa ilegal na droga
Dagdag ng NUJP na 160 mamahayag na ang nasawi mula noong 1986.