MANILA, Philippines – Walang planong magtayo ng permanenteng kampo ang Estados Unidos sa Pilipinas, ayon kay Defense Secretary Chuck Hagel ngayong Biyernes.
Pero sinabi ng hepe ng Pentagon na daragdagan nila ang kanilang mga tropa sa Pilipinas tulad ng knailang ginagawa sa iba pang kaalyadong bansa tulad ng Singapore.
"The United States does not seek permanent bases in the Philippines. That would represent a return to an outdated cold-war mentality. Instead we are using a new model of a military-to-military cooperation befitting to great allies and friends," pahayag ni Hagel.
Sinabi ni Hagel na gumugulong na ang planong maragdagan ang mga US military sa Pilipinas na kinumpirma pa mismo ni Pangulong Benigno Aquino III.
Dagdag niya na malaki ang maitutulong nito sa Pilipinas na patuloy na pinalalakas ang sadatahang lakas.
"This agreement will strengthen cooperation between our two militaries and help them work together more effectively," banggit ni Hagel.
"Continuing the close partnership between our nations is an important part of America's long-term strategy of rebouncing in the Asia-Pacific," sabi ni Hagel tungkol sa pagpapalakas ng mga kaalyadong bansa sa Asya.
Samantala, sinabi naman ni Philippine Defense Secretary Voltaire Gazmin na maaaring gamitin ng US military ang mga pasilidad ng Pilipinas kung kinakailangan.
"As soon as the framework agreement is complete, we will provide the necessary access to all these facilities. This is not limited only to Subic, but to [other] Philippine military facilities if necessary," ani Gazmin.