MANILA, Philippines - Round-the-clock security ang ibinigay ng gobyerno sa umano'y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles sa Makati City Jail.
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas II na ginawa nila ito upang masiguro ang seguridad ni Napoles, na inaasahang isisiwalat ang alam niya sa pangungurakot ng mga mambabatas.
Ayon sa mga ulat, nasa isang airconditioned room sa city jail si Napoles at binabantayan ng pulis at babaeng jail officers.
Bukod sa air-condition ay mayroon pang lumang sofa at mesa ang selda ni Napoles.
"There will be 24/7 visual security on her, two lady-cops will be assigned to her all the time," pahayag ni Roxas matapos dalhin si Napoles sa Makati City Jail kagabi mula sa headquarters ng Philippine National Police.
Nitong kamakalawa ng gabi ay kusang sumuko si Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III na aniya'y tanging tao na pinagkakatiwalaan niya.
“Siya ang sentro ng napakalaking kontrobersya na ito (pork barrel scam). Ang mahalaga ma-secure siya upang malaman ang katotohanan,†banggit ni Roxas na matapos arestuhin si Napoles.
“Gagawin natin ang lahat upang masecure ang kanyang testimony,†dagdag niya.
Halos dalawang linggo rin nagtago si Napoles matapos ilabas ng Makati Trial Court ang arrest warrant para sa kasong illegal detention sa whistleblower na si Benhur Luy.
Si Napoles ang itinuturo ni Luy bilang mastermind sa P10 bilyon scam gamit ang mga Prioirty Development Assistance Fund ng mga mambabatas