MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Interior and Local Government secretary Mar Roxas ang mga haka-hakang binigyan ng administrasyon ng “special treatment†ang kontrobersyal na negosyanteng si Janet Lim-Napoles.
Marami ang nagtaka kung bakit sa Palasyo unang pumunta si Napoles upang sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III.
“Trabaho namin ito ma-secure siya, ma-arrest siya,†sabi ni Roxas sa isang press briefing kagabi.
Bukod pa rito ang personal na paghatid ni Aquino kasama sina Roxas at PNP Director General Alan Purisima sa headquarters ng Philippine National Police's sa Camp Crame, Quezon City upang kunan ng mug shots at fingerprints.
“Siya ang sentro ng napakalaking kontrobersya na ito (pork barrel scam). Ang mahalaga ma-secure siya upang malaman ang katotohanan,†banggit ni Roxas na mukhang napikon sa mga tanong.
“Gagawin natin ang lahat upang masecure ang kanyang testimony,†dagdag niya.
‘Not the first time’
Sinabi naman ni Executive Secretary Edwin Lacierda na hindi ito ang unang pagkakataon na tumanggap ang isang Pangulo ng pugante.
“Hindi po ito ang unang beses na ang Pangulo ang tumatanggap ng mga nagsu-surrender sa kanya,†paliwanag ni Lacierda ngayong Huwebes.
“It is in our culture that the fugitive who would throws himself at the mercy of the highest official the president is honor bound to secure and receive the fugitive,†dagdag niya.
Nang tanungin kung bakit sa isang bakanteng kuwarto sa PNP headquarters nagpalibas ng gabi si Napoles at hindi sa selda, sinabi ni Lacierda na “case-to-case†basis ito.
Sinabi ni Roxas na hiniling ni Napoles sa Pangulo na masiguro ang kanyang seguridad dahil marami umanong nagtatangka sa kanyang buhay.
Kahapon ng umaga ay sinabi ng abogado ni Napoles na si Lorna Kapunan na handang sumuko ang kanyang kliyente pero kailangang masiguro ang kanyang kaligtasa.
Kaugnay na balita: 'Handang sumuko si Napoles'