^

Balita Ngayon

Walang PDAF, walang scholarship - Mercado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na matutulungan ni Cavite 2nd Rep. Lani Mercado-Revilla ang kanyang mga scholars kapag nawala na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

"I have to tell 7,000 scholars that without PDAF, I can't help them," pahayag ni Mercado-Revilla sa kanyang Twitter account.

Sinabi pa ng mambabatas na hindi lamng ang mga estudyante ang maaapektuhan ngunit pati ang mga nangangailangan ng tulong medikal.

"We give out scholarships to empower people. It is in our menu. Our constituents ask us for medical and burial assistance," ani Mercado.

Samantala, humingi rin siya ng paumanhin sa nauna niyang komento sa pagtanggal ng PDAF.

"Sorry you are taking me at the wrong context. Alam n'yo na kung paano kami tumulong. (With) PDAF or without PDAF," banggit ng mambabatas.

Marami ang nainis sa naging sagot ni Mercado-Revilla sa kanyang panayam sa PEP.ph nang sabihin niyang huwag na sa kanila manghihingi ng tulong ang mga tao.

"Basta 'wag lang manghihingi sa amin ang mga tao!" patawang sagot niya sa panayam.

"E ano'ng ibibigay namin? Hindi naman puwede yung pinaghihirapan namin dahil sa personal naman namin 'yun, sa mga anak, sa mga pang-araw-araw na panggastos namin," dagdag ng mambabatas.

ALAM

CAVITE

LANI MERCADO-REVILLA

MARAMI

MERCADO

MERCADO-REVILLA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with