^

Balita Ngayon

Noy: Napoles dapat munang sumuko bago maging state witness

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kailangan munang sumuko ng umano’y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles bago ikonsidera ng gobyerno na gawin siyang state witness, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules.

"Siguro unang-una muna, kailangan ma-serve ‘yung warrant of arrest, mapunta sa custody ng gobyerno itong si Ms. Napoles at humarap doon sa mga akusasyon laban sa kanya," sabi ng Pangulo kasunod mag labasan ang mga usap-usapang gawing state witness si Napoles.

Pero nilinaw ni Aquino na kailangan itong pag-aralan kung posible nga bang maging state witness si Napoles.

Kaugnay na balita: 'Handang sumuko si Napoles'

"Iyong pagiging state witness, pag-aaralan ‘yan pero ang importante muna – may warrant of arrest, kailangan ma-serve ng Executive itong warrant of arrest," paglilinaw ni Aquino.

Kaninang umaga ay nag-alok ng P10 milyon si Aquino para sa ikadarakip ni Napoles.

"P10-million ang reward for information leading to the arrest of Ms. Napoles," sabi ni Aquino.

Kaugnay na balita: P10M pabuya sa ikadarakip ni Napoles - PNoy

Binalaan naman ni Aquino ang mga nagpo-protekta kay Napoles at sinabing labag ito sa batas.

"Harboring of a fugitive, kaso yun. Obstruction of justice, kaso rin yun. So yung babala: kung nasa wastong pag-iisip ang mga kumukupkop sa kanya, dapat maalala ito. At kung akala nila na titigilan namin ang paghahanap dito, nagkakamali sila," sabi ng Pangulo.

Naniniwala si Justice Secretary Leila De Lima at ang abogado ni Napoles na nasa bansa pa siya at ang kapatid niyang si Jojo Lim na pinaaaresto sa kasong illegal detention sa whistle blower na si Benhur Luy.

Kaugnay na balita: Napoles, utol nasa Pinas pa - De Lima

"All existing leads na nakakalap ng [National Bureau of Investigation] ngayon point to the fact that they are still here but they are hiding," pahayag ni De Lima sa isang pulong balitaan ng Inter-Agency Graft Coordinating Council (IAGCC) kahapon.

vuukle comment

AQUINO

BENHUR LUY

DE LIMA

INTER-AGENCY GRAFT COORDINATING COUNCIL

JANET LIM-NAPOLES

JOJO LIM

KAUGNAY

MS. NAPOLES

NAPOLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with