^

Balita Ngayon

3 yate ni Napoles nawawala

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nawawala ang umano’y tatlong yate ng nagtatagong negosyanteng si Janet Lim Napoles mula sa Manila Yacht Club, ayon sa Bureau of Immigration ngayong Martes.

"I was informed that Mrs. Napoles has three yachts, parked at the Manila Yacht Club but according to the source wala na mga yacht niya dun," pahayag ni Bureau of Immigration officer-in-charge Siegfried Mison.

Kaagad naglaho ang tatlong yate ni Napoles matapos maglabas ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court laban kina Napoles at kapatid nitong si Jojo Lim, ayon sa “confidential source” ni Mison.

"We confirmed sabi ng source meron daw tatlo dun dati ('yung) ginagamit niya, hindi lang ako sure kung sa pangalan niya or ginamit niya, na wala na dun sa yacht club," dagdag ni Mison.

Inalarma na ng mga awtoridad ang mga karatig bansa ng Pilipinas upang maging alerto at makatulong sa pagkakadakip kay Napoles.

"An alert order has been issued to the possible backdoor they might use to flee the country. They can use the Balot Island which is near General Santos City, about three hours away to Indonesia and Bonggao, Tawi-Tawi, which is near Malaysia," sabi ng pinuno ng Immigration.

"We have coordinated with Indonesian immigration at the Marore Island, which is near the Philippines. We alerted them by issuing information including pictures of Janet and Reynald," dagdag niya.

Sinabi pa ni Mison na mahigpit nilang binabantayan ang mga pantalan sa katimugan, na mas madaling lumayag dahil sa magandang panahon kumpara sa hilagang parte ng bansa.

"Pinakamahirap magyacht sa North dahil sa weather so kung lahat biyahe yacht sa South kung di mamatay sa takot sa alon," ani Mison.

Anila, isa sa maaaring puntahan ni Napoles ay ang Hong Kong na malapit lamang sa Pilipinas pero duda sila dito lalo na’t dumaan ang bagyong Maring.

"Puwede ba sa Hong Kong? But not during this weather. Not habagat weather," sabi ni Mison patukoy sa habagat na pinalakas ng bagyong Maring na nanalasa sa Hilaga at Gitnang Luzon.

BALOT ISLAND

BUREAU OF IMMIGRATION

GENERAL SANTOS CITY

GITNANG LUZON

HONG KONG

INDONESIA AND BONGGAO

MANILA YACHT CLUB

MISON

NAPOLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with