MANILA, Philippines – Hinarang ang mga bus na biyaheng Cavite-Manila ngayong Lunes upang hindi makapasok sa Southwest Integrated Provincial Terminal (SIPT) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Paranaque City.
Ayon sa ulat, hinarang ng ibang mga bus driver ang mga bus sa probinsya ng Cavite kabilang ang bayan ng Imus at Bacoor.
Sa kautusan ng MMDA, ipinagbabawal nang pumasok sa EDSA at Maynila ang mga bus mula sa Cavite kung saan hanggang sa SITP na lamang sila makakapagsakay at baba.
Ayon sa opisyal ng MMDA ay wala namang nagaganap na protesta kontra sa SIPT na ipinatupad ngayong Agosto lamang.
Hanggang ngayon ay hindi pa nakakausap ng mga awtoridad ang mga bus operator at driver na nangharang sa ibang bus.