MANILA, Philippines - Umamin si Filipino football celebrity Phil Younghusband na napag-uusapan na nila ng aktres na si Angel Locsin ang magpakasal.
Ayon sa 26-anyos na atleta, pareho na nilang gustong makasama ang isa't isa habangbuhay ngunit sa ngayon ay wala pa sa isip nila ang lumagay sa tahimik.
“I might tell her I want to marry her and I tell her I want to be with her, and she says the same thing back. But when the right time is, we don’t know yet,†ayon kay Younghusband sa “Ikaw Na†segment ng late news program ng ABS-CBN na “Bandila†nitong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ng atleta na ang prayoridad nilang magkasintahan sa ngayon ay ang kani-kanilang mga trabaho.
“Marami siyang ginagawa ngayon and I have a lot of things too,†ani Younghusband.
Samantala, sinabi ng atleta na ang kung ikakasal siya ay gusto niya ng isang garden wedding.
“Like what you see in the movies,†aniya.