11-buwang sanggol nalunod sa Bulacan

MANILA, Philippines – Isang 11-buwang sanggol ang natagpuang patay at palutang-lutang sa loob ng kanilang binahang bahay sa Malolos City, Bulacan.

Pinangalanan ni Malolos City Mayor Christian Natividad ang sanggol na si Jian Charles Centeno ng Barangay Canalate.

 Isa ang Canalate sa hinagupit ng matinding pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Maring.

Pinalala pa ito ng pagpapakawala ng tubig mula sa Ipo at Bustos dam dahil umabot na ito sa spilling level.

Ayon sa magulang ng sanggol na sina Jaime at Carol, iniwan nila ang bata sa pangangalaga ng nakakatandang kapatid niya na si Kathrina,13, bago sila namalengke.

Naiwanang mag-isa ang sanggol matapos makatulog si Kathrina.

Samantala, nalunod din ang isang 53-anyos na si Lodigario Parado sa Meycauyan City, Bulacan.

 

Show comments