PBA games kanselado

MANILA, Philippines – Kinansela ng pamunuan ng Philippine Basketball Association ang mga laro mamayang gabi dahil sa pananalasa ng Habagat na pinalakas ng bagyong Maring.

“The PBA is cancelling its games today due to floods and continued inclement weather,” pahayag ni PBA Commissioner Chito Salud ngayong umaga.

Bibida sana sa hardcourt ang GlobalPort Batang Pier kontra San Mig Cofee Mixers sa unang laro, habang Talk n Text Tropang Texters laban sa Alaska Aces.

Wala pang nakatakdang petsa kung kalian lalaruin ang mga nakanselang laban.

Nalubog sa baha ang Metro Manila at mga karatig na probinsya dahil sa walang humpay na pag-ulan mula noong Linggo.

Show comments