^

Balita Ngayon

NPA lider sa pananambang kay Guingona tiklo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote na ang lider ng News People's Army (NPA) nasa likod ng pananambang sa asawa ni dating bise-presidente Teofisto Guingona na si dating Gingoog City Mayor Ruth de Lara Guingona, ayon sa mga pulis ngayong Lunes.

Nadakip ang pinuno ng New People’s Army na si Reynaldo Agcopra na kilala rin sa tawag na Commander Tarik nitong kamakalawa sa Sitio San Roque, Barangay Aposkahoy, Claveria, Misamis Oriental.

Sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Mirabeau Undalok ng Regional Trial Court Branch 43 ay nadakip si Agcropa.

Nahaharap sa kasong murder na may two counts at multiple charges ng frustrated murder in relation to ambush si Agcropa dahil sa pananambang kay de Lara-Guingona noong Abril 20.

Pauwi na ang dating alkalde mula sa isang piyesta nang tambangan ng armadong kalalakian ang kanyang convoy sa Baranga Binakalan sa Gingoog City.

Nagtamo ng mga sugat si de Lara-Guingona, ngunit nasawi ang kanyang dalawang bodyguard. 

AGCROPA

BARANGA BINAKALAN

BARANGAY APOSKAHOY

CITY MAYOR RUTH

COMMANDER TARIK

GINGOOG CITY

GUINGONA

JUDGE MIRABEAU UNDALOK

LARA-GUINGONA

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with