^

Balita Ngayon

Bagyong 'Labuyo' tumama sa hilagang Luzon

Pilipino Star Ngayon

Manila, Philippines – Bahagyang humina ang bagyong “Labuyo” matapos itong tumama sa kalupaan ng Casiguran, Aurora, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.

Namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mata ng bagyo sa Nueva Vizcaya kaninang alas-7 ng umaga.

May lakas na 165 kilometers per hour (kph) si Labuyo at bugsong aabot sa 200 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran, hilaga-kanluran sa bilis na 22 kph.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo bukas ng umaaga.

Nakataas ang public storm warning signal number  sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Hilagang Aurora.

Signal number 2 naman sa Calayan, Babuyan group of Islands, Zambales, Tarlac, natitirang bahagi ng Aurora at Nueva Ecija, habang signal number 1 naman sa Batanaes, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, hilagang Luzin, Polilio island, Laguna, Cavite, at Metro Manila.

Palalakasin ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng katamtamang hanggang malakas na buhos ng ulan sa Katimugang Luzon at Kanlurang Visayas.

Itinaas ng National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC) ang red alert sa buong bansa.

Iniulat ng NDRRMC na aabot sa 224 pamilya na sa Albat at Camarines Norte ang naapektuhan ng bagyo, habang 8,709 na katao na ang stranded sa mga pantalan ng Bicol, Southern Tagalog, Eastern Visayas.

CAMARINES NORTE

EASTERN VISAYAS

HILAGANG AURORA

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

KANLURANG VISAYAS

KATIMUGANG LUZON

LA UNION

LABUYO

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with