^

Balita Ngayon

Oil price rollback, kulang! - Piston

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi ikinatuwa ng militanteng  transport group na Piston ang roll back sa presyo ng petrolyo na ipinatupad ng mga oil companies ngayong linggo.

Inirereklamo ng Piston ang mababang pagbabawas ng presyo kumpara sa malakihang oil price hike ng mga naturang kompanya.

"Kapag magtataas sila ng presyo ay malaki at madalas. Pero kapag magrorolbak ay bihira at barya-barya," sabi ni  Piston national president George San Mateo.

 "Partikular sa diesel, dito natin lalo makikita ang pattern na laging mas mababa ang rollback, at mas masahol pa, madalas ay hindi nagpapatupad ng rollback sa diesel. Ito ay dahil 70 percent ng benta ng 'Big Three' ay diesel kaya sadyang nililiitan at nililimitahan ng 'Big Three' ang pag-rollback sa diesel para patuloy silang kumita ng super-tubo mula sa overpricing, price-manipulation at profiteering," dagdag niya.

Ngayong Martes ay ipinatupad ng Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines ang pagbabawas ng 35 sentimo kada litro sa gasolina, ngunit nagtaas naman sila ng 25 sentimo kada litro sa kerosene.

Muli namang sinisisi ng grupo ang Oil Deregulation Law kaya walang magawa ang gobyerno upang makontrol ang presyuhan ng mga langis.

"Ang patuloy na pagtatanggol ni Pangulong Aquino sa pananatili ng Oil Deregulation Law ang siyang  dahilan kaya naging sadyang inutil ang gobyerno na protektahan ang mga drayber at consumer," sabi ni San Mateo.

Suportado ng Piston ang isinusulong sa Kamara na House Bill 255 na naglalayong ibasura ang Oil Deregulation Law.

"Inaasahan na namin na tututulan ni Pangulong Aquino at ng mga ahente ng Big 3 sa loob ng Department of Energy ang HB 255. Subalit magkaganun man, ay ibayong ipaglalaban at itutulak ng Piston at ng buong transport  sector ang panukalang batas na iyan sa Kongreso at higit lalo sa lansangan," ani San Mateo.

 

BIG THREE

DEPARTMENT OF ENERGY

GEORGE SAN MATEO

HOUSE BILL

NGAYONG MARTES

OIL DEREGULATION LAW

PANGULONG AQUINO

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with