MANILA, Philippines – Kahit bading o tibo ay maaaring maging santo, ayon sa isang opisyal ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Biyernes.
Sinabi n in Father Melvin Castro, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life, hindi mahalaga sa Panginoon ang kasariaan ng isang tao upang maging santo basta’t namumuhay ng malinis o may “chaste life.â€
"Hindi sila nagkaroon ng relasyon, they did not engage in same-sex behavior. So, kung papano ang heterosexual straight na sinasabi natin at homosexual ay kapwa tinatawagan na magkaroon ng chaste life ay yun," pahayag ni Castro.
"Maski naman ang mag-asawa ay tinatawagan na magkaroon ng chaste life so which means lahat tayo ay tinatawagan na maging Santo at Santa regardless ng ating sexual orientation," dagdag ng pari sa kanyang panayam sa Church-run Radyo Veritas.
Pero nilinaw ng pari na tutol pa rin ang simbahang katolika sa same-sex-marriage.
"Tanggap natin sila 'pagkat mayroon silang same-sex attraction pero hindi natin matatanggap kung mayroon silang same-sex relationships at same-sex unions," sabi ni Castro.