Agosto 9 walang pasok dahil sa pagtatapos ng Ramadan - Palasyo

MANILA, Philippines – Walang pasok sa Agosto 9 dahil sa pagtatapos ng Ramadan o Eid'l Fitr ng mga Muslim sa Pilipinas.

Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III sa paglagda ng Proclamation No. 629 ngayong Huwebes ang Agosoto 9 bilang regular holiday.

“In order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness, it is necessary to declare Friday, 9 August 2013, as a regular holiday throughout the country," sabi ng Palasyo.

Ipinagdiriwang ng mga Muslim ang Eid’l Fitr sa loob ng tatlong araw matapos ang isang buwan na pag-aayuno.

 

Show comments