^

Balita Ngayon

Pac-Yao nagkasama sa China

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkasama ang dalawang sports icon ng Asya na si boxing superstar Manny Pacquiao at dating NBA player na si Yao Ming sa Shanghai, China nitong Miyerkules.

Tumungo ang fighting congressman ng China upang i-promote ang kanilang laban ni Brandon Rios na gagawin sa Nobyembre 24 sa Venetian Macao sa Macau.

Kasama sa larawan ng 5-foot-6 na si Pacquiao ang makakatunggaling at mas matangkad ng kaunti na si Rios, 5-foot-9, at ang 7-foot-6 na si Yao na dating naglaro para sa Houston Rockets.

Bukod sa China, tutulak din patungong Singapore, New York at Los Angeles sa Amerika sina Pacquiao at Rios para sa kanilang worldwide promotional tour.

Matapos ang walong season sa NBA ay nagretiro si Yao noong 2011.

Nitong Mayo lamang ay bumisita si Yao sa Pilipinas kasama ang kanyang koponan na Shanghai Sharks na nakipagtuos sa isang friendly match kalaban ang national team na Gilas Pilipinas.

vuukle comment

BRANDON RIOS

GILAS PILIPINAS

HOUSTON ROCKETS

LOS ANGELES

NEW YORK

NITONG MAYO

PACQUIAO

SHANGHAI SHARKS

YAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with