^

Balita Ngayon

13 sangkot sa sex-for-flight probe - DFA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing-tatlong pangalan ang inilabas ni Akbayan Party-list Rep. Walden Bello ngayong Miyerkules na may kinalaman umano sa sex-for-flight scheme sa Gitnang Silangan.

Inilahad ni Bello ang mga pangalan ng karamihan ay mga tauhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa dokumento ng DFA.

Unang lumitaw ang pangalan ni Riyadh Assistant Labor Attache Antonio Villafuerte, pero ngayon ay pinapanagot na rin sina Qatar officer Nasser Macarimbang, FWRC Riyadh manager Richard Seneres, Qatar Welfare Officer Sitti Jaffar at mga opiyal ng DOLE na sina Marie Antonio at Blas Marquez.

Kabilang din ang mga tsuper mula sa ibang bansa na sina Jose Gratil, Alfredo Labrador, Jose Casicas at Victor Godoy, gayun din ang mga interpreter na sina Bashir Ayub at Mohammad Abdul Majid, at Syria Augmentation team member Camaloden Guro.

Pumutok ang isyu ng sex-for-flight noong Hunyo kung saan binubugaw umano ng mga opisyal ng gobyerno ang ilang kababaihang overseas Filipino worker kapalit ng tiket ng eroplano pauwi ng Pilipinas.

Pinauwi na sa bansa si Villafuerte upang sumailalim sa imbestigasyon, habang ang ibang pinananagot sa isyu ay sinibak na sa puwesto at ang iba ay sinuspinde.

AKBAYAN PARTY

ALFREDO LABRADOR

BASHIR AYUB

BLAS MARQUEZ

CAMALODEN GURO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GITNANG SILANGAN

JOSE CASICAS

JOSE GRATIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with