MANILA, Philippines – Pinagtawanan ng abogadong si Ferdinand Topacio ang pahayag ni Raymart Santiago laban sa asawang si Claudine Barreto na kaya umanong gumawa ng storya.
“Mr. Raymart Santiago has said in a statement that my client, Ms. Claudine Barretto, is ‘capable of making up stories,†pahayag ni Topacio na abogado ni Claudine.
“We find that statement to be very funny, coming from a man whose very foundations for his enticements for Ms. Barretto to enter into marriage with him are based on stories concocted by him, and bolstered by layer upon layer of more untruths, as we shall prove in a separate case. The deceptions by Mr. Santiago may even constitute criminal offenses," dagdag ng abogado.
Iginiit ni Topacio na may basehan ang kanilang alegasyon laban kay Santiago kaya naman humingi sila ng temporary protection order (TPO).
“The allegations of Ms. Barretto are based on solid evidence of all kinds and nature. We are looking forward to seeing Mr. Santiago in court, so that, once and for all, it may determine who is telling the truth,†ani Topacio.
Kahapon ay pinabulaanan ni Raymart ang sinasabi ni Claudine na sinasaktan siya ng kanyang asawa.
“Walang katotohanan na inabuso ko ang mga anak ko. At bilang ama, hindi ako gagawa ng hakbang na ikapapahamak ng mga anak ko. Hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Maraming mga nakakakilala sa akin na makakapagpatunay niyan," ani Raymart.
“Marami rin ang makapagpapatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento. Again, I strongly deny her accusations. Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon," dagdag niya.
Nitong kamakalawa ay dumulog sa Marikina Regional Trial Court si Claudine upang humingi ng TPO laban kay Raymart.
Kaugnay na balita: Protection order hiling ni Claudine vs Raymart
Sinabi ni Claudine na hiniling niya ito sa korte upang protektahan ang kanyang sarili at ang kanilang mga anak.
Kaugnay na balita: Claudine takot na kay Raymart?