7 rebelde patay sa engkwentro sa Tarlac

MANILA, Philippines — Utas ang pitong miyembro ng New People’s Army nang makaengkwentro nila ang mga sundalo sa probinsya ng Tarlac ngayong Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay Army brigade commander Col. Henry Sabare, may kinumpirma lamang silang ulat na may mga armadong kalalakihan sa lugar nang paputukan sila ng mga rebelde.

Kagabi pa nagsimula ang putukan at kaninang madaling araw lamang natapos.

Nakuha mula sa mga rebelde ang matataas na kalibre ng baril, patunay na mayroong pinuno ng grupo ang nasawi.

Ngayong buwan lamang din ay 14 rebelde ang nasawi, kabilang ang isang regional officer ng underground Communist Party.

 

Show comments