LPA maaaring maging pang-10 bagyo ngayong taon
MANILA, Philippines - Malaki ang tsansang maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure are (LPA) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ayon sa state weather bureau ngayong Martes.
Sinabi ng PAGASA na maaaring maging bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa West Philippine Sea dahil makakakuha ito ng lakas.
Kung sakaling maging ganap na bagyo ay papangalanan itong "Jolina" ang pangatlong bagyo ngayong buwan at pang-10 ngayong taon.
Kadalasang 17 hanggang 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine area of responsibility.
Namataan ng PAGASA kaninang alas-4 ng umaga ang LPA na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa 230 kilometro kanluran ng Ambulong, Batangas.
Asahang magiging maulap ang kalangitan sa buong bansa, kabilang ang Metro Manila, na may mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat, ayon sa weather bureau.
- Latest
- Trending