Earthquake drill sa Baguio nauwi sa stampede, 54 sugatan
MANILA, Philippines – Sugatan ang 54 estudyante ng Baguio City National Highschool matapos magkagulo sa sorpresang earthquake drill ngayong Biyernes.
Sinabi ni Inspector Virgilio Hidalgo, tagapagsalita ng Baguio City police, tatlong estudyante ang isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center, habang 21 naman ang ginamot sa clinic ng paaralan, at 30 ang hinimatay dahil sa pagsasanay na ikinagulat ng lahat.
Naganap ang sorpresang fire drill bandang 11:30 ng umaga ngunit kaagad din itinigil matapos magdulot ito ng stampede na ikinasakit ng mga estudyante.
Ang lokal na pamahalaan ng Baguio kasama ang Office of Civil Defense, Baguio Fire Department at mga opisyal ng paaralan ang nagplano ng earthquake drill.
Paliwanag ng isang guro na sadyang hindi sinabi ang pagsasanay upang malaman kung gaano kahanda ang mga estudyante.
"Earthquake occurs without warning," sabi ni Alfredo Tolentino ang coordinator ng earthquake drill.
Inamin ni Tolentino na inakala nilang kabilang sa role playing ang mga nasaktang estudyante.
â€Akala po namin, yung staged-managed na may lima na casualty for dramatization of the drill, totoo na pala na maraming nasaktan,†ani Tolentino.
Hindi naman ikinatuwa ng mga magulang ang pagiging “insensitive†ng mga opisyal.
Noong 1990 ay tinamaan ng lindol ang lungsod ng Baguio kung saan daan-daang ang nasawi.
- Latest
- Trending