^

Balita Ngayon

'Live-in rule' sa HK ipinababasura ng Pinay workers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang grupo ng mga domestic helper na ibasura na ang living-in policy sa Hong Kong.

Sinabi ng grupong Mission of Migrant Workers na maaaring maabuso ang lahat ng domestic workers kapag nakatira sila sa mismong bahay o kumpanya ng kanilang mga pinagtatrabahuhan.

"Domestic workers are chosen because they can do full-time work for a fixed monthly wage, not because they are live-in," ayon sa grupo.

Lumabas sa pag-aaral ng grupo na 60 porsiyento o 736 sa kabuuang bilang na 1,218 na tinanong nila na Pinoy domestic helper sa Hong Kong ay nakakaranas ng pagmamalupit ng kanilang amo.

Sa 736 na naaabuso, 453 ang umaming nakaranas sila ng verbal abuse, 198 ang pisikal na sinaktan, habang 18 ang hinalay.

Kuwento ng general manager ng grupo na si Cynthia Tellez marmaing Pilipipinang domestic helper ang natutulog sa kusina, sa pasilyo, sa banyo, at ang iba pa ay katabi ng kanilang lalaking amo.

Ipinagbabawal sa Hong Kong ang hindi pagtira sa bahay ng kanilang amo na may libreng pagkain at allowance.

Nitong Martes ay anim na Pilipina ang nahuling lumalabag sa kautusan.

 

CYNTHIA TELLEZ

HONG KONG

IPINAGBABAWAL

KUWENTO

LUMABAS

MISSION OF MIGRANT WORKERS

NANAWAGAN

NITONG MARTES

PILIPINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with